Pinoy Lounge

Tambayan Ng Mga Pinoy Overseas
 
HomeHome  PortalPortal  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Magpakatotoo ka brader! (Panahon natin to')

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
loneman21
Novice
Novice
avatar

Male Number of posts : 14
Age : 29
Location : Pampanga
Registration date : 2009-10-29

PostSubject: Magpakatotoo ka brader! (Panahon natin to')   Sat Nov 21, 2009 7:09 am

What if wala ng bukas? Magagawa pa kaya natin ang dapat nating gawin?

Kung maraming taong dakila na nabuhay noon di ba natin kayang maging dakila sa panahon natin?

Magpakatotoo ka kaibigan, ipagmalaki mo kung sino ka at ano ka, isang tunay na Filipinong Kristiano!

Wag nating gayahin ang ibang tao na nabuhay na mga tanga at stupido (mapagmataas, ilusyunado, mangmang at mga ipokrito)

Sila na nabubuhay sa kasalanan at kasamaan, ka immoralidad at kamunduan.

Wag mong ikalungkot na mahirap ka, may kapintasan, pagkukulang o matinding karamdaman at mga kabiguan.

Bagkus maging positibo ka at harapin ang mga pagsubok, “Stand for the Truth, Fight for the Right…”, tumayo sa tama at tumingin sa mga biyaya…

Nilikha ka ng Diyos (na Spiritu at Banal) ayon sa kalooban niya at para sa ikabubuti mo.

May dahilan ang lahat ng bagay at lahat ng to’ at may konskwensya lahat ng kabutihan at kasamaang gawa ng tao…

Ang buhay at kasaysayan, kapalaran ng bawat indibidual naayon sa pananampalataya at gagawin niyang hakbang.

Ituwid natin ang lahat ng ating pagkakamali noon at sa ngayon, yamang tayo ay nabubuhay sa kalayaang pumili (life is important and life is too short…)

Walang mangyayari kung tayo ay mananatili sa ganitong sitwasyon.

Gumising ka sa realidad at palayain ang sarili sa lahat ng pagkaalipin.

(Namatay si Hesus upang lahat ng sumampalataya sa Kanya ay maligtas, Siya ang daan, katotohanan at ang buhay…)

Magkaisa para sa tunay na pagbabago para sa Diyos, para sa Bayan at para sa Kalikasan.

Na tayo bawat isa ay ganapin ang binigay sa ating mga mahahalagang tungkulin (mga dapat nating gawin).

“God created all w/ purpose, every human with full right to live according to his/her free will to choose, the normal life, simplicity, goodness without any corruption and oppression, to love, respect and to have discipline that must show to everyone…”

-James307 (By: Baptist Church, Pampanga, Philippines 2009, 11-19-09/8:00PM)
Back to top Go down
View user profile
 
Magpakatotoo ka brader! (Panahon natin to')
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Pinoy Lounge :: PINOY LOUNGE :: Pinoy Tambayan-
Jump to: